DPWH secretary Manuel Bonoan at mga Regional Directors kinasuhan ng graft and corruption sa Office of the Ombudsman
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman si Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan kasama ang lahat ng mga Regional Directors ng ahensiya.
Ang nagsampa ng kaso ay si John Chiong Presidente ng Task Force Kasanag o TFK na isang Non Governmental Organization.
Batay sa complaint affidavit ni Chiong sa Ombudsman inaakusahan ng kanyang grupo si Secretary Bonoan ng neglect of duty sa ilalim ng Anti Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pangungunsinti umano ng kalihim sa mga Regional Directors ng ahensiya sa mga contract bidding.
Nakasaad pa sa reklamo ni Chiong na hindi inaaksiyunan ni Secretary Bonoan ang nagaganap na pagmamanipula umano ng mga Regional Directors sa pag-aaward ng mga kontrata sa mga piling kontraktor na nagiging daan ng korapsyon sa mga government projects.
Ang isyu ng corruption sa gobyerno ay nagdudulot ng paglustay sa pera ng publiko na umaabot sa multi bilyong piso.
Vic Somintac