Kamara handang tumulong kay PBBM laban sa mga agricultural smuggling at hoarders

Tutulong ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Malakanyang kaugnay sa kampanya laban sa mga agricultural smugglers at hoarders.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA na bilang na ang mga araw ng mga agricultural smugglers at hoarders.

Ayon kay Romualdez ang banta ng Presidente ay patunay na gusto na niyang tapusin ang smuggling at hoarding ng mga agricultural products na malaki ang epekto sa sektor ng mga magsasaka at consumers dahil tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Nangako si Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat upang makatulong sa Pangulo at mapanagot ang mga smugglers at hoarders ng mga agricultural products.

Inihayag ni Romualdez na noong first regular session ng 19th congress ay nagsagawa na ang Kamara ng serye ng mga congressional inquiry ukol sa isyu ng agricultural smuggling at hoarding na ang resulta ay maaring gamiting ebidensiya ng Department of Justice o DOJ para kasuhan ang mga smugglers at hoarders ng mga agricultural products.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *