Natitirang 10 SONA Priority Bills ni PBBM, ipapasa ng Kamara bago matapos ang 2023

Pagtitibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bago matapos ang taon ang 10 panukalang batas na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang Ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, 4 na SONA priority measures ang aaprubahan ng Kamara sa Oktubre bago ang recess ng second regular session ng 19th Congress na ito ay ang:

1. Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law

2. Amyenda sa Cooperative Code

3. Tatak Pinoy Bill

4. Blue Economy Bill

Habang ang 6 na natitirang SONA priority measures ay ipapasa sa Disyembre na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Motor Vehicle User’s Charge Bill

2. Military and Uniformed Personnel o

    MUP Pension Bill

3. Revised Procurement Law

4. New Government Auditing Code

5. Rationalization of Mining Fiscal

     Regime Bill

6. National Water Act

Sinabi ni Romualdez na una nang pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong 1st regular session ang pitong priority bills ni PBBM na kinabibilangan ng:

1. Tax sa Single-Use Plastic Bags Bill

2. Value-Added Tax sa Digital

     Transaction Bill.

3. Pagtatayo ng Fisherfolk Resettlement

     Areas Bill

4. Anti-Financial Account Scamming Bill

5. Automatic Income Classification Act  

     for Local Government Units 

6. Bureau of Immigration Modernization

7. Ease of Paying Taxes Bill

Ayon kay Romualdez, wala pa sa 17 SONA priority measures ang panukalang 2024 National Budget na isusumite ng Ehekutibo sa Kongreso sa susunod na linggo.

Nilinaw ni Speaker Romualdez na ang 2024 General Appropriations Bill (GAB) ang pinakamahalagang panukala na kailangang talakayin at aprubahan ng Kongreso upang matiyak na ang lahat ng buwis na ibinabayad ng taumbayan, gayundin ang iba pang revenue sources na nakokolekta ay babalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programa, proyekto at serbisyo.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *