Wala pang nabubuong win win solution ang mga mambabatas sa kontrobersyal na reporma sa pensyon ng mga military at uniformed personnel
Ayon kay senador Jinggoy Estrada na chairman ng senate defense committee, hindi nila minamadali ang isyu at hinihintay pa ang resulta ng mga isinagawang konsultasyon.
“Nothing yet, but i think Cong. Joey Salceda will have a win-win. I am not rushing things because this is a sensitive issue. I want to have a resolution which will be fair to MUP and active personnel.” Paliwanag ni Senator Jinggoy Estrada.
Nauna nang umapila si Pangulong Bongbong Marcos sa mga mambabatas sa kanyang SONA na tiyaking hindi maapektuhan ang pensyon ng mga uniformed personnel.
May nakapending na panukala sa dalawang kapulungan ng kongreso para sa reporma sa pension system ng MUP dahil sa lumolobong bayarin ng gobyerno sa pensyon na maaaring maging dahilan umano ng fiscal collapse
Isa sa nakikitang solusyon ng mga mambabatas ay kaltasan ng five percent ang buwanang pensyon ng mga nasa aktibong serbisyo para sa kanilang pensyon
Pero maaaring umabot sa 163 thousand na mga enlisted personnel ang hindi umano makakatugon sa limang porsyento na kaltas
“The five percent contribution might be too high. A low-rank enlisted personnel earns from p29,000 to p38,000, if you remove 5 percent that’s a big deal for them.” paliwanag pa ng senador.
May mga panukala rin aniya na isa-pribado o pumasok sa joint venture agreement ang mga ahensyang maaapektuhan para may maaaring pagkunan ng pension funds
Sa ngayon hihintayin muna nila ang resulta ng dayalogo ng mga economic managers sa mga maaapektuhan ng panukala bago magpatawag muli ng pagdinig
“There are roadshows. The economic managers started conducting roadshows several months ago. My office consulted the stakeholders’ concerns, PNP, AFP, BFP, BJMP, and coast guard and i will still have to meet with eco managers and the defense secretary.” Patuloy na pahayag ni Estrada.
Meanne Corvera