Typhoon Egay patuloy na nananalasa sa Northern Luzon
Patuloy pa ring binabayo ng malalakas na hangin at ulan ang Babuyan Islands at iba pang bahagi ng Northern Luzon matapos mag-landfall ang bagyong Egay sa Fuga Island sa Aparri, Cagayan.
Mula sa super typhoon category, ibinaba na ng state weather bureau PAGASA sa typhoon ang kategorya ng bagyo na may international name na Doksuri.
Sa 8:00AM bulletin ng PAGASA, inaasahang ang mabagal na paghina ng bagyo sa susunod na 24 oras.
Namataan ang sentro ng bagyong Egay sa karagatan ng Aparri, Cagayan na kumikilos pa-timog kanluran sa bilis na 15 km/h, taglay ang lakas ng hangin na 175 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 240 km/h.
Tropical Cyclone Wind Signal no.4 ang umiiral sa
- Northern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes)
- Babuyan Islands
- Northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela)
- Northern portion of Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, Bacarra)
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal no.3 sa:
- Batanes
- Rest of Cagayan
- Rest of Apayao
- Northern portion of Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan)
- Northern portion of Abra (Tieg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarubbia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, SanIsidro, Sallapadan)
- Rest of Ilocos Norte
- Northern portion of Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa Nagbukel, Narvacan)
Nakataas naman ang signal no. 2 sa:
- Isabela
- Rest of Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Rest of Abra
- Rest of Ilocos Sur
- La Union
- Northern at western portions ng Pangasinan (Sison, San Jacinto, Pozorrubio, San Fabian, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Mabini, Labrador, Infanta, Dasol, Burgos, Agno, City of Alaminos, Sual, Anda, Bolinao, Bani, San Manuel, Binalonan, Laoac, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, San Nicolas)
Samantala, signal no. 1 naman sa:
- Aurora
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Rest of Pangasinan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Bulacan
- Zambales
- Bataan
- Metro Manila
- Rizal
- Cavite
- Laguna
- Northern portion of Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City),
- Central portion of Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio)
- Polillo Islands
- Camarines Norte
- Northern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi)
- Northern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran)
Nakataas pa rin ang gale warning sa maraming lugar sa bansa na mapanganib sa paglalakbay sa dagat at posibilidad naman ng storm surge na magudulot ng pagbaha sa mabababang lugar.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay bukas, Huwebes ng umaga.
Weng dela Fuente