DOJ tutulong sa babalangkasing executive order para sa amnestiya sa rebel returnees
Hiningi umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gabay at expertise ng DOJ sa pagbuo ng executive order na magbibigay ng amnestiya sa rebel returnees.
Sa kaniyang SONA, sinabi ng Pangulo na maglalabas siya ng proklamasyon para sa amnestiya sa rebel returnees.
Ayon sa DOJ, handa silang makipagtulungan sa Department of National Defense, Amnesty Commission at iba pang ahensya sa pagbuo ng komprehensibo at epektibong amnesty program.
Ang mithiin umano ng Pamahalaang Marcos ay makalikha ng amnesty framework na magsusulong ng pangmatagalang kapayapaan, reconciliation at reintegration ng mga dating rebelde sa lipunan.
Umaasa ang DOJ na makapagdulot ito ng positibong epekto sa mga buhay ng mga naapektuhan ng armadong pakikibaka at makalikha ng sambayanan na nananaig ang kapayapaan at paguunawaan.
Moira Encina