Matagumpay na paglaban sa terorismo ng Philippine Army, pinuri ni PBBM
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matagumpay na mga hakbang ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas laban sa terorismo.
Kamakailan nagdaos ng Talk to Troops ang pangulo sa Kuta Major Cesar Sang-an sa Labangan, Zamboanga del Sur.
Pinasalamatan ni PBBM ang 1st Infantry Division ng Philippine Army at Joint Task Force Zamboanga Peninsula at Lanao dahil sa patuloy na pagtatanggol sa bansa.
“You have never failed to answer the call of duty with honor, with pride, and with the passion and the love for the Republic of the Philippines,” pahayag ni PBBM.
Naniniwala ang pangulo na patungo ang bansa sa dulo ng hinahangad na prosesong pangkapayapaan.
Ang Joint Task Force Zamboanga Peninsula at Lanao ay binubuo ng 1st ID, Naval Task Group-ZamPeLan, at Tactical Operations Group 9, na sumasakop sa Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, at bahagi ng Misamis Oriental.
Maliban sa mga rebeldeng komunista, communist at iba pang terrorist groups, minomonitor din ng task force ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa Moro National Liberation Front (MNLF).
Kabilang sa kanilang accomplishment ang pagkakalansag sa anim na communist terror group – guerilla fronts sa kanilang area of responsibility.
Na-rekober din nila ang 48 armas at napatay sa engkuwentro ang apat na high-value individuals.
Madelyn Moratillo