Umaabot na sa 40 pasahero ang na-rescue, 26 ang naitalang patay sa lumubog na Bangka sa Binangonan Rizal

Mistulang na trap na isda sa lambat ang mga pasahero ng lumubog na bangkang aya express sa Binangonan Rizal

Yan ang dahilan kaya marami sa mga pasahero ang hindi nakaligtas.

Kwento ni jonmar delos reyes, isa sa mga survivors, 12:15 ng tanghali umalis sa pantalan ang bangka

Pero sampung minuto pagkatapos ng kanilang paglalayag umihip ang malakas na hangin na nagpatindi sa alon sa dagat.

Mabilis aniya ang nangyari dahil tumagilid agad ang bangka bago lumubog.

Bukod sa nagpanic, hindi raw agad nakalangoy ang mga pasahero dahil bukod sa walang lifevest ang bangka, hindi sila nakalusot sa mga lona na nakatali sa bangka

Sa tingin ni delos reyes marami sa kanyang mga kapwa pasahero ang hindi nakaligtas

Ayon kay Jose Hernandez ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, umaabot na sa 40 pasahero ang na-rescue, 26 na ang naitalang patay

Lumilitaw na overloading ang bangka dahil 22 lang ang nakasulat sa manifesto

Sa inisyal na imbestigasyon, matapos aprubahan ng coastguard ang manifesto nagpasakay pa ng pasahero pero hindi na-update sa records ng coastguard

Sinuspinde na ng marina ang safety certificate aya express,

Sisimulan na rin ng marina ang imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa nangyaring trahedya

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *