Pagtaas ng presyo ng mga agricultural products sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Egay tinututukan ng DA

Inaasahan na ng Department of Agriculture o DA ang pagtaas ng presyo ng mga agricultural products sa mga lugar na sinalanta ng super bagyong Egay.

Sinabi ni Agriculture Deputy Spokesman Assistant Secretary Rex Estoperez tinututukan na ng mga field officials at personnel ng DA ang damage sa agricultural products sa Region 1, Region 2, Region 3, Cordillera Administrative Region o CAR, Region 4A o CALABARZON at Region 4B o MIMAROPA.

Ayon kay Estoperez pangunahing produkto na napinsala ang bigas, mais gulay at isda ganundin ang livestock and poultry products na pinagkukunan ng supply ng mga karne.

Inihayag ni Estoperez na hindi maiiwasan na tumaas ang presyo ng gulay at isda sa mga lugar na tinamaan ng bagyo subalit gumagawa ng paraan ang DA para makakuha ng supply sa ibang lugar na hindi naman sinalanta ng kalamidad upang mabilis na bumalik sa normal ang presyo.

Idinagdag ni Estoperez na maaaring lumapit sa DA ang mga apektadong magsasaka at mangingisda para sa ayudang ibinibigay sa ilalim ng Calamity Assistance Program ng ahensiya.

Niliwanag ni Estoperez na tataas pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Egay sa agricultural products sa sandaling makuha na ang pinal na reports ng mga field offices ng DA sa mga lugar na napinsala ng kalamidad.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *