Financial request sa DBM idi-digitalize na
Gagawin ng digitalize ang mga financial request sa Department of Budget and Management (DBM).
Kasunod ito ng paglulunsad ng kagawaran sa Digital Request Submission for Local Government Support Fund (DRSL) na naglalayong mapabilis ang pagproseso ng mga requests para sa pagpo-pondo sa mga priority programs at projects ng mga LGUs.
“Ginagawa po nating mas direct, convenient, and secured ang pag-request ng mga lgus ng financial assistance para sa infrastructure projects at social programs sa DBM,” pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.
“With this initiative, sa official DRSL portal lang po magre-receive ng request ang DBM, at tanging mga local chief executive lamang ang bibigyan natin ng access sa portal na ito.” Dagdag pa na pahayag ni Pangandaman
Lahat ng digital requests ng LGUs ay sisiyasatin ng DBM batay sa pangangailangan, patas at equitable distribution sa LGUs, at fund availability.
“Iniiwasan natin na maging source of corruption itong process for request and release of funds mula sa LGSF. Kaya hindi po tayo mag-e-entertain ng middlemen.” Paglilinaw pa nito.
“Kadalasan, dyan nagsisimula ‘yung panloloko at korupsyon. Nangangailangan na nga ‘yung mga lgu, lalo pa silang nababaon dahil sa panloloko ng mga scammers. These things, we want to avoid and eradicate,” pagdidiin pa ng DBM chief.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanghihikayat sa mga ahensya ng gobyerno na yakapin ang digital transformation para sumulong ang serbisyo sa taumbayan.
Vin Pascua