Na-disqualify na Ukrainian fencer, ginawaran ng Olympics place at ibinalik
Ginawaran ng International Olympic Committee (IOC) ng puwesto sa 2024 Paris Olympics ang Ukrainian fencer na si Olha Kharlan, makaraan siyang madiskuwalipika sa world championships dahil sa pagtangging makipagkamay sa kaniyang kalaban na isang Russian.
Sinabi rin ng International Fencing Federation (FIE) na ibinalik na nila si Kharlan, na magbibigay pagkakataon dito na lumahok sa team competition sa world championships sa Milan.
Ayon kay Emmanuel Katsiadakis, Greek president ng FIE, ang desisyon ay ginawa “pagkatapos ng konsutasyon sa International Olympic Committee.”
Si Kharlan, ang unang fencer na humarap sa isang Russian o Belarusian simula nang sakupin ng Russia ang Ukraine, ay nagwagi sa score na 15-7 laban kay Anna Smirnova ng Russia noong Huwebes.
Tumanggi ang 32-anyos na four-time Olympic medallist na makipagkamay kay Smirnova pagkatapos ng laban, sa halip ay iniumang ang kaniyang espada para ang gawin na lamang nila ay mag-tap blades, ngunit nakasaad sa panuntunan ng FIE na dapat magkamay ang dalawang fencers.
Dahil dito ay nagsagawa si Smirnova ng 45-minutong protesta sa pamamagitan ng hindi pag-alis sa competition strip.
Si Kharlan ay na-disqualify.
Kalaunan ay sinabi nito, “Emmanuel Katsiadakis, the Greek president of the FIE, assured me that it was “possible” not to shake hands and offer a touch of my blade instead following my victory. I thought I had his word, to be safe, but apparently, no.”
Bilang tugon sa kanyang diskwalipikasyon, nanawagan ang International Olympic Committee na tratuhin nang “sensitibo” ang mga atleta ng Ukraine.
Pagkatapos, nitong Biyernes ay nagpadala si IOC President Thomas Bach, na isa ring dating Olympic fencer kay Khartan ng isang sulat na nagsasabing siya ay garantisadong magkakaroon ng puwesto sa Olympics sa Paris sa susunod na taon, na hindi alintana kung siya ay nakakuha ng mga puntos sa kwalipikasyon.
Sa kaniyang sulat ay sinabi ni Bach, “As a fellow fencer, it is impossible for me to imagine how you feel at this moment. Given your unique situation, the International Olympic Committee will allocate an additional quota place to you for the Olympic Games Paris 2024 in case you will not be able to qualify in the remaining period.”
Dagdag pa niya, “Rest assured that the IOC will continue to stand in full solidarity with the Ukrainian athletes and the Olympic community of Ukraine during these extremely difficult times.”
Ang desisyon na paglaanan si Kharlan ng isang lugar sa Olympics ay tiyak na magbubunsod ng galit na reaksyon mula sa Russia.
Olha Kharlan (L) offered her sabre when her Russian opponent Anna Smirnova approached for a handshake / Andreas SOLARO / AFP
Nito ring Biyernes, ay inakusahan ng pinuno ng Olympic Committee ng Russia ang IOC na pumipili ng papanigan matapos nitong himukin ang sports federations na magpakita ng sensitivity sa mga atleta ng Ukraine.
Sinabi ni Stanislav Pozdnyakov, “The statement in question indicates that the IOC determined for itself and picked a side in the political conflict, (and) began to act in the interests of this side.”
Ayon kay Pozdnyakov, “Theses remarks ‘clearly showed the duplicity of the so-called recommendations, criteria and parameters.’ Now we have been involuntarily but clearly shown the attitude which absolutely any Russian will face at international competitions.”
Mula nang ilunsad ng Russia ang opensiba nito sa Ukraine, nagpataw ang IOC ng mga sporting sanction sa Moscow at sa kaalyado nitong Minsk, ngunit mas maaga sa taong ito ay inirekomenda nito na ang mga atleta ng Russia at Belarus ay maaaring makipagkumpitensya bilang mga indibidwal sa mga kwalipikadong kaganapan sa ilalim ng neutral na bandila at walang anthem.
Ang desisyon ay nagbunsod ng mga protesta mula kapwa sa pamahalaang Ukrainian at pagpuna mula sa kanilang mga atleta dahil inuna ang mga karapatang pantao ng mga atleta ng Russia kaysa sa kanila.
Nagresulta ito sa paghadlang ng Ukraine sa kanilang mga atleta sa pakikipagkumpitensya sa mga kaganapan kung saan naroroon ang mga Ruso at Belarusian — ang tennis ang eksepsiyon dahil ang mga manlalaro sa sport na ito ay nakikipagkumpitensya bilang mga indibidwal.
Ang IOC ay hindi pa nakagagawa ng desisyon kung ang mga Ruso at Belarusian ay maaaring makilahok sa Paris Olympics bilang neutral competitors.
Pinuri naman ng Sports Minister ng Ukraine na si Vadym Gutzeit ang desisyon ng IOC na bigyan si Kharlan ng lugar sa Olympics.
Sa kaniyang social media account ay sinabi ni Gutzeit, “Despite all the hate that I personally and my team have experienced in these 24 hours, working hard for Ukrainian athletes and not responding to it, we have already achieved the first result. We are working on removing the black card for Olga’s further competitions and preventing similar situations in other sports.”
Si Kharlan ay lumahok lamang sa world championships matapos na baguhin ng Ukraine sports ministry ang dati nitong patakaran sa pagbabawal sa mga atleta na humarap sa mga kakumpitensyang Ruso o Belarusian.