Red tide alert nakataas pa rin sa ilang baybayin sa Vis-Min

photo: BFAR

Ilang baybayin sa Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish poison o red tide toxin.

Sa shellfish bulletin no. 18 series of 2023 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga baybaying ito ay ang: Dauis at Tagbilaran city sa Bohol at Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur.

Paalala ng BFAR, bawal kainin ng tao, ibenta at hanguin ang lahat ng uri ng shellfish na mahuhuli sa mga nasabing baybayin.

Gayunman, ligtas namang kainin ang lahat ng uri ng isda, pusit o alimango na makukuha sa mga baybayin na nabanggit basta’t nahugasan, nalinis at nalutong mabuti.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *