Typhoon Falcon paiigtingin ang Habagat – PAGASA (updated)
Patuloy sa paglakas ang bagyong ‘Falcon’ na magpapa-igting pa sa Habagat.
Sa 11:00AM forecast ng state weather bureau PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,045 kilometro sa silangan ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 185 kph habang kumikilos pa hilaga hilagang-silangan sa bilis na 15 kph.
Sa track forecast, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga o bukas ng hapon.
Bagama’t walang direktang epekto sa bansa ang bagyo, tinatayang higit pang lalakas ang bagyong Falcon sa susunod na isa o dalawang araw na magpapa-iting sa southwest monsoon o habagat.
Habagat din ang magdadala ng ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw partikular sa bulubundukin at baybayin ng Zambales, Bataan, Cavite, Lubang Island, Kalayaan Islands, Cuyo Islands, Romblon, northwestern portion ng Antique, Camarines Sur, at Albay.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are expected especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” ayon sa PAGASA
Bagama’t inalis na ng PAGASA ang anomang Gale Warning, asahan ang katamtaman hanggang maalong karagatan sa northern, western at southern seaboards ng Luzon sa susunod na 24-oras dahil sa habagat na pina-igting ng bagyong Falcon.
“Mariners of small sea crafts are advised to take precautionary measures when venturing over these waters. If inexperienced or operating ill-equipped vessels, avoid navigating in these conditions,” paalala ng PAGASA.
Weng dela Fuente