Kamara balik sa 100% face-to-face work force

Balik na sa 100 percent simula ngayong Lunes, July 31, ang work force gayundin ang face-to-face plenary session at committee hearings sa Kamara de Representante.

Ito ang isinasaad sa ibinabang Memorandum Order ng Mababang Kapulungan kasunod na rin ng Presidential Proclamation 297 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-alis sa deklarasyon ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Pirmado ni House Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco ang nasabing memorandum order para sa lahat ng miyembro ng 19th Congress at sa lahat ng tauhan ng Kamara.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang lahat ng miyembro ng Kongreso na personal na daluhan ang mga plenary sessions at committee hearings, habang papahintulutan lamang ang registration of attendance at pagboto sa mga committee hearings gamit ang mobile phones o ibang accounts na naka-rehistro o beripikado, kung pinahintulutan ng Speaker ang pagdaraos ng committee hearings sa pamamagitan ng electronic platforms.

Batay din sa ibinabang kautusan, inaalis na rin ang work-from-home (WFH) scheme sa mga House personnel at staff.

Pinapa-alalahanan naman ang lahat na ugaliin ang ‘good personal hygiene’, gayundin ang pagtiyak na nalilinis at nasa-sanitize ang mga common work place

Tuloy pa rin ang monitoring ng Health and Safety Officers (HSOs) sa pagbabantay sa kalusugan ng mga tauhan ng Kamara at kung may pangangailangan ay magsasagawa pa rin ng antigen tests sa mga ito.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *