Mga empleyado sa Kamara babakunahan ng bivalent anti COVID 19 vaccine
Naglabas na ng direktiba ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa pagbabakuna sa mga empleyado ng Bivalent anti Covid 19 Vaccine.
Batay sa kautusan mula sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco uunahin na bigyan ng Bivalent anti Covid 19 vaccine ang mga medical frontliners sa Kamara kasunod ang mga empleyado para magkaroon ng ibayong protection laban sa COVID 19.
Ayon sa paliwanag ng Department of Health o DOH kahit inalis na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Public Health Emergency sa pandemya ng COVID 19 hindi nangangahulugan na wala na ang virus.
Ang Bivalent anti COVID 19 vaccine ay sinasabing mabisang panlaban sa Omicron variant maging sa original na virus ng COVID 19.
Vic Somintac