Kamara pinatitiyak sa DOH na available sa mga evacuation centers ang mga gamot laban sa leptospirosis
Hiniling ni Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes sa Department of Health o DOH na gawing available sa mga evacuation centers ang gamot laban sa leptospirosis.
Ginawa ni Congressman Reyes ang apela matapos kumpirmahin ng DOH na dumadami ang kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong panahon ng tag-ulan at pananalasa ng mga bagyo na nagdudulot ng mga pagbaha.
Sinabi ni Reyes na hindi biro leptospirosis dahil nagdudulot ito ng kamatayan.
Inihayag ni Reyes kung mayroong available na gamot sa mga evacuation centers tuwing may kalamidad maiiwasan ang pagkalat ng sakit.
Batay sa record ng DOH umabot na sa 1,582 ang kaso ng leptospirosis simula noong January hanggang June ng taong kasalukuyan na 72 percent na mataas kumpara sa 920 na kaso na naitala noong nakataang taon.
Pinag-iingat din ng mambabatas ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na kumakalat sa panahon ng tag-ulan tulad ng diarrhea, trangkaso at dengue.
Vic Somintac