Flood control projects ng gobyerno uungkatin ng Senado bungsod ng nararanasang pagbaha

Uungkatin ng senado ang mga flood control projects ng gobyerno dahil sa mga naranasang pagbaha sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga matapos manalasa ang bagyong Egay

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, nagsasayang lang ng pondo para sa mga flood control dahil halos apat na dekada na ang nakalipas pero sa halip na maresolba, lumala pa ang problema sa baha

Tinukoy ng senador ang 183 billion na pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways bukod alokasyon ng budget para sa Department of Environment and Natural Resources

Dismayado ang mga mambabatas dahil hanggang ngayon walang malinaw na integrated management program laban sa pagbaha.

Bukod dito, walang malinaw na proseso sa pagpapakawala ng tubig sa dam kaya ang mga kawawang residente lubog sa baha.

“Nakakalungkot dahil worsen ang delubyo ng baha na tumatama sa bayan kailangan din magkaroon ng malinaw na polisiya sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam apat na dekada na hindi pa rin alam implement protocols alam nilang darating bagyo maraming tubig tatama sa isang probinsya.” pahayag ni Senador Joel Villanueva

Ayon kay senador Loren Legarda, ang mga pagbaha ay hindi lamang dulot ng ulan kundi ang matinding problema sa mga daanan ng tubig na pinapakawalan mula sa dam

“Of course dams have to release water hindi naman kasalanan na pakawalan ang tubig pero kailangan update ang protocol kailangan susundin ang land use kung saan magpapalaya sa tubig hindi gumagawa ng gusali, bahay, eskwelahan barangay hall o anumang gamit pangtao na titirhan at dadaluyan ng tubig ng dam protocol.” paliwanag naman ni Senador Legarda.

Itinakda na ng komite ni senador Bong Revilla ang pagdinig sa isyu susunod na linggo

Ayon kay Revilla na chairman ng committee on public works, pagpapaliwanagin nila ang mga opisyal ng DPWH kung saan napupunta ang mga pondo para sa dregding at flood control projects

“Nakakapikon na itong sitwasyon natin na sa tuwing uulan ay palagi na lang tayong baha, samantalang napakadaming proyekto at bilyon-bilyon ang ginagastos para masawata ang pagbaha, pero ganun pa rin at paulit-ulit. We must sit down and, once and for all, come up with workable and effective solutions.” Pahayag naman ni senador Revilla.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *