Pangulong Marcos may state visit sa Viet Nam sa Enero 2024 – DFA Sec Manalo

Magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Viet Nam sa Enero ng susunod na taon para sa state visit.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa kaniyang opening remarks sa 10th Meeting ng Philippines- Viet Nam Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) sa Hanoi, Viet Nam.

Ayon sa kalihim, magpupulong sina Pangulong Marcos at Viet Nam President Vo Vhan Thuong para mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

“We also look forward to President Marcos’ state visit to Viet Nam in January next year,
where he and President Vo Van Thuong could meet to discuss how to raise our
bilateral ties to even greater heights.”
Pahayag ni DFA Sec. Enrique Manalo

Sinabi ni Secretary Manalo na sa nakalipas na isang taon sa puwesto ni PBBM ay nakita nila ang tiwala at kumpiyansa sa pagitan ng Pilipinas at Viet Nam.

“President Ferdinand Marcos Jr. recently finished his first year in office, and we have
seen a remarkable display of trust and confidence between our two countries. We
welcome the President’s recent sideline meetings with Prime Minister Pham Minh
Chinh in the last two ASEAN Summits.”
Ayon pa kay secretary Manalo.

Wala pang ibinigay na mga detalye ang Department of Foreign Affairs ukol sa state visit partikular ang mga kasunduan na posibleng lagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa tala ng DFA, nasa 7,000 ang mga Pinoy sa Viet Nam.

Ang DFA secretary ay nasa Viet Nam hanggang August 3 para sa 10th JCBC kung saan tinatalakay ang pagpapaigting ng kooperasyon ng Pilipinas at Viet Nam lalo na sa maritime cooperation, trade and investment promotion, people-to-people exchanges, at kooperasyon sa ASEAN.

Noong Hulyo ay ipinagdiwang ng Pilipinas at Viet Nam ang ika-47 anibersaryo ng diplomatic relations nito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *