Pilipinas nanawagan sa nuclear weapon states na iulat ang kanilang disarmament obligations
Hinimok ng Pilipinas ang limang weapon states na China, France, Russia, U.K., at ang U.S na iulat ang kanilang disarmament obligation sa ilalim ng Nuclear Non-Proliferation Treaty (NPT).
Nagpulong kamakailan ang NPT Working Group on Strengthening the Review Process sa Vienna, Austria kung saan kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isa sa mga rekomendasyon ng working group para mapalakas ang NPT processes ay ang pagkakaroon ng interactive mechanism na magoobliga sa nuclear weapon states na i-report nang regular ang kanilang disarmament obligations.
Sa pamamagitan ng proposed mechanism na ito ay mabubusisi ng state parties ang mga report ng nuclear weapon state.
Sinabi ng DFA na sa inisyung advisory opinion ng International Court of Justice (ICJ) noong 1996 ay pinagtibay ang legal na obligasyon ng limang state na i-pursige ang nuclear disarmament.
Pero walang mekanismo para mapanagot ang limang nuclear weapon states para sa kanilang
nuclear disarmament obligations.
Moira Encina