Pinawi ng isang infectious disease expert ang pangamba ng publiko sa mga bagong kaso ng variant ng covid 19 na nakakapasok sa bansa.

Una rito kinumpirma ng Department of Health na nakapasok na rin sa bansa ang EG.5 omicron subvariant ng covid 19…sa monitoring ng kagawaran may 10 kaso ng EG.5 ang natukoy sa bansa.

Ang EG.5 ay sublineage ng XBB.1.9.2 variant.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, nasa listahan palang ito ng variant under monitoring at wala sa variant of interest ng World Health Organization.

Ayon naman sa DOH, napasama sa minomonitor ng WHO ang nasabing variant matapos itong matukoy sa 49 na bansa.

Pero batay sa mga ebidensya, hindi naman ito inaasahang magdudulot ng malalang sakit…hindi rin umano ito nalalayo sa orihinal na omicron variant.

“Currently available evidence for EG.5 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant.” ayon pa sa Department of Health

Sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center mula July 14 hanggang 25, sa 160 sample na sinuri, 146 XBB variants ang natukoy, 3 BA.2.3.20, at 3 iba pang Omicron sublineages.

Lahat ng XBB ay local cases mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 6, 10, 11, Cordillera Administrative Region, Caraga, and National Capital Region habang ang BA.2.3.20 naman ay local cases na natukoy sa Regions 6 at 11.

Kaya payo ng DOH sa publiko patuloy paring mag-ingat…kung kinakailangan ay mag-mask, kung may sakit ay mag-isolate at tiyakin ang maayos na daluyan ng hangin sa mga establisyimento.

Hindi lang umano ito pangontra sa covid 19 kundi maging sa iba pang nakakahawang sakit.

“The Department of Health (DOH) strongly recommends the public to continue adhering to our layers of protection such as wearing face masks, isolating when sick, and ensuring good airflow. These layers of protection are also effective not only against COVID-19 but also from other infectious diseases. At this time, we entrust the public to raise their risk-tolerance against COVID-19 and continue to practice assessing our risks.” pahayag ng Department of Health

Hinikayat rin ng DOH ang publiko na magpabakuna na kontra covid 19 o magpaturok ng booster dose.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *