4.7 percent na inflation rate naitala sa bansa noong Hulyo
Muling bumababa ang inflation rate sa bansa matapos maitala ang 4.7 percent na inflation rate noong buwan ng July kumpara sa 5.4 percent na naitala noong buwan ng June ng taong kasalukuyan.
Ito ang report na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Sinabi ni Undersecretary Dennis Mapa National statistician at registrar general ng PSA na pangunahing nakapag-ambag sa pagbaba ng inflation rate sa bansa ay ang mabagal na galaw ng presyo ng renta sa housing, water, electricity, gas and other fuel.
Ayon kay Mapa nakapag-ambag din sa pagbaba ng inflation rate sa bansa ang mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages dahil bumaba ang presyo ng karne, isda at iba pang seafoods ganun din ang presyo ng asukal at confectionery and dessert.
Inihayag ni Mapa na nasa 6.8 percent ang average inflation rate sa bansa mula noong pumasok ang taong 2023 hanggang buwan ng july kung saan nag-umpisa sa 8.7 percent ang inflation rate noong january, 8.6 percent noong february, 7.6 percent noong March, 6.6 percent noong April, 6.1 percent noong May, 5.4 percent noong june at 4.7 percent noong July.
Inamin naman aniya na posibleng bumilis ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Agosto dahil sa epekto ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo na puminsala sa mga agriculture at aquaculture products.
Vic Somintac