KAMARA umaangal na rin sa patuloy na pambubully ng china sa Pilipinas sa West Philippine Sea
Maghahain ng resolusyon si Congressman Rufus Rodriguez Chairman ng House Committe on Constitutional Amendment para opisyal na kondinahin ang patuloy na pambabastos ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea.
“I Will file a Resolution condemning China Coast Guard for its water cannon blast against our PCG vessels escorting our supply vessels bringing provisions to our military personnel staying on board BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal.” Pahayag ni Congressman Rufus Rodriguez.
Sinabi ni Congressman Rodriguez na hinihiling din niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-recall na o pabalikin na sa bansa si Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz para ipakita ang matinding protesta.
“I suggest we recall our Ambassador back to Manila to show our deep indignation to this attack.” mariing pahayag pa ni Rodriguez
Ayon kay Rodriguez dapat ding i-degrade ng pamahalaang Pilipinas ang Philippine Embassy sa Beijing para ipakita sa China ang pagtutol sa ginagawang paglabag sa sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea.
“Let us also degrade our Philippine Embassy in Beijing as a sign of protest.” kasunod pa na pahayag ng mambabatas.
Inihayag ni Rodriguez na kailangan ng manindigan ang gobyerno ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.
“These continuous violations of our sovereign rights over the WPS should now be firmly addressed our government!” dugtong pa aniya ni Rodriguez.
Umaani ngayon ng ibat-ibang reaksiyon mula sa lokal at international community ang panibagong paggamit ng Chinese Coast Guard ng water cannon sa barko ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga military personnel ng bansa na nasa BRP Sierra Madre sa Ayunin Shoal.
Vic Somintac