Singil sa kuryente bababa ngayong buwan
Asahan ng mga consumer ng Meralco ang bawas singil sa kuryente ngayong buwan.
Ito ay kasunod ng pagbaba sa generation at transmission charges.
Tatapyasan ng Electric company ng 29 centavos kada kilowatt hour ang singil ngayong August bill.
Katumbas ito ng 58 pesos na bawas sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour , 87 pesos naman sa 300 kilowatt per hour , 116 pesos naman sa 400 kilowatt hour , at 145 pesos sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.
Para sa mga residential customer na kumukonsumo ng 200 KWH, ang adjustment ay katumbas ng halos p58 sa kanilang kabuuang bill sa kuryente.
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na nagkaroon ng pagbaba sa generation charge.
Samantala muli ring nanawagan ang Meralco sa beneficiaries ng Pantawid Pamilya Program na magparehistro para makuha nila ang lifeline discount simula Setyembre.
Paalala ng Meralco, tanging mga nagparehistro bilang lifeline consumers lamang ang makakukuha ng discount simula Setyembre.