Economic Performance ng Pilipinas sa second quarter ng 2023 bumaba ayon sa report ng PSA at NEDA
Sa kabila na niluwagan na ng pamahalaan ang health protocol sa pananalasa ng pandemya ng COVID 19 at bukas na ang economic activities bumaba ang economic performance ng bansa sa ikalawang quater ng taong kasalukuyan.
Bumagsak ang economic performance ng bansa sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ang iniulat sa bayan ng Philippine Statistics Authority o PSA at National Economic Development Authority
Sinabi ni PSA national statistician at registrar general undersecretary Dennis Mapa na ang economic growth ng bansa sa second quarter ng taong kasalukuyan ay 4.3 percent mababa ng 2.1 percent sa 6.4 percent na naitala noong first quarter.
Ayon kay Mapa ang pangunahing contributors sa second quarter economic performance ng bansa ay mula sa wholesale at retail trade, repair of motor vehicle and motorcycle.,financial at insurance activities, transportation and storage.
Ipinaliwanag naman ni National Economic Development Authority o NEDA director general secretary Arsenio Balisacan na ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng economic performance ng bansa sa second quarter ay ang underspending ng pamahalaan at ang pagtataas ng interest rate ng bangko sentral ng pilipinas.
Inihayag ni Balisacan na on target pa rin ang economic growth rate projection ng Marcos jr. Administration na 6 to 7 percent ngayong taon.
Sinabi ni Balisacan na ngayong third quarter ay magkakaroon ng acceleration ng implimenyasyon ng mga nakaprogramang infrastructure projects ng pamahalaan upang mabawi ang underspending ng gobyerno noong second quarter para makabawi ang performance ng ekonomiya.
Idinagdag ni Balisacan na tutukan din ng economic team ng pamahalaan ang inflation rate at market situation sa labas ng bansa dahil sa magiging epekto ng climate change at el niño phenomenon.
Babantayan din ng economic team ng pamahalaan ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ng geopolitical tension sa south china sea.
Vic Somintac