5.768 Trilyong pisong 2024 proposed national budget inumpisahan ng talakayin ng Kamara
Sinimulan na ng house committe on appropriations ang paghimay sa 2024 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.768 trilyong piso.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tatapusin ng Kamara ang budget deliberation sa loob lamang ng limang linggo.
Ayon kay speaker Romualdez 4 na linggo sa committee hearing at 1 linggo sa plenary debate.
Unang isinalang ng House Committee on Appropriations ang Development Budget Coordination Committee o DBCC na pinamumunuan ni department of budget and management o DBM secretary Amenah Pangandaman kasama sina Bangko Sentral ng Pilipinas governor Eli Remolona, Jr., Finance Secretary Benjamin Diokno at National Economic Development Authority o NEDA director general secretary Arsenio Balisacan para i-presenta sa Kamara ang breakdown ng budget ng bawat ahensiya ng pamahalaan.
Sinabi ni secretary Pangandaman na ang 2024 proposed national budget ay susuporta sa economic recovery program ng Ferdinand Marcos Jr., Administration mula sa naging epekto ng pandemya ng COVID 19.
Niliwanag ni Pangandaman na ang hinihinging 2024 national budget ang unang hakbang para maisakatuparan ang 8 point socio economic agenda ni PBBM hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.
Sa pinagtibay na budget hearing calendar magsisimula ngayong araw august 10 ang budget deliberation at matatapos sa september 11 2023.
Ayon sa appropriations committe sa sandaling matapos ang budget deliberations sa committee level agad itong isasalang sa plenaryo ng Kamara para pagtibayin ang house version ng 2024 proposed national budget upang maipadala sa senado ang kopya para sa kanilang sariling version at kung may hindi pagkakasundo ang mababang kapulungan ng kongreso at senado aayusin ito sa bicameral conference committee.
Batay sa inter-parliamentary coordination ng dalawang kapulungan ng kongreso target na mapagtibay ang 2024 general appropriations bill bago ang holiday break ng kongreso sa December upang malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Vic Somintac