DSWD nakapagsanay na ng 6,300 na college students na gagamiting tutor sa mga elementary students na nahihirapang magbasa

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong buwan ng agosto nakapagsanay na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng 6,300 college students na gagamiting tutor sa mga elementary students na nahihirapang magbasa sa ilalim ng tara basa program.

Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang tara basa program ay naglalayong tulungan ang Department of Education o DepEd na palakasin ang reading comprehension ng mga estudyante sa elementarya partikular ang nasa grade 1.

Ayon kay Lopez gagawing pilot project ng DSWD tara basa program ang mga mga grade 1 students na nag-aaral sa pampublikong paaralan sa national capital region o NCR bago ipatupad sa buong bansa.

Inihayag ni Lopez na tinatayang nasa 63,000 na grade 1 student sa NCR ang makikinabang sa Tara Basa program ng ahensiya.

Niliwanag aniya na ikakalat ang mga college students tutor sa ibat-ibang public elementary schools sa NCR.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *