Limang babae na hinihinalang biktima ng human trafficking, nasagip sa NAIA


Naharang ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang lima na babaeng pasahero na patungong Malaysia at Singapore bilang turista.

Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), lima sa mga babae ay natukoy na human trafficking victims habang ang isa na kinilalang si De Leon ay ang trafficker ng mga ito kaya ito inaresto.

Sa panayam sa mga biktima, una nilang sinabi na sila ay magbibiyahe papuntang Malaysia at si De Leon ang kanilang sponsor at employer.

Pero kalaunan ay inamin ng limang babae na nakilala lang nila sa parehong araw sa isang fastfood restaurant sa NAIA si De Leon at may isang Tiffany ang nag-alok sa kanila ng trabaho.

Si De Leon umano ang nagbigay sa mga biktima ng kanilang pekeng employment documents na ipinirisinta ng mga ito sa immigration officers at sinabihan sila na magpakilala bilang turista.

Inalok umano sila ng trabaho sa Malaysia bilang entertainer, online tutor, caregiver, at massage therapists.

Sinabi ng IACAT na hindi ito ang unang pagkakataon na naharang sa NAIA si De Leon dahil may apat hiwalay na insidente sa mga nakaraan na hindi siya pinayagan na makaalis ng bansa.

May isa pang insidente umano noong Mayo kung saan nagpost si De Leon sa Facebook at idinaing kung papaano siya i-noffload o hindi pinayagan na makabiyahe.

Ipinagharap ang suspek ng mga kasong human trafficking at illegal recruitment sa korte matapos na isalang sa inquest proceedings.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *