PBBM umaasang malalagdaan ang maritime cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malalagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam para patatagin ang maritime cooperation sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kaniyang pakikipagpulong kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang halaga ng maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, na kapwa claimants sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ng pangulo na malaking hakbang ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Now that we are going to start discussions on the agreement that we have between the Philippines and Vietnam, I think it is a very, very important – it will be a very, very important part of our relationship and it will bring an element of stability to the problems that we are seeing now in the South China Sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa farewell call ni Ambassador Chung, nagpasalamat si Pangulong Marcos dahil naisakatuparan ang pag-uusap para sa kasunduan sa panahon ng termino nito na nagsimula noong June 19, 2020.

Sinabi naman ng Vietnam Envoy na ipinararating din ni Vietnam President Vo Van Thuong ang pasasalamat kay Pangulong Marcos at sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa pakikipag-ugnayan sa Vietnam, partikular sa common interest nito sa West Philippine Sea at pagpigil na lumala ang tensyon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Tinatanaw din ni Ambassador Chung ang matatag at malapit na relasyon ng dalawang bansa lalo’t itinuturing ng Pilipinas ang Vietnam bilang strategic partner.

Nirerespeto aniya ng Vietnam ang independent foreign policy ng Marcos administration na “friend to all, enemy to none”

“And President, Vietnam, we have very respect for your thought that you are a friend to all, none enemy,” pahayag pa ng Vietnamese diplomat.

Pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang solidong pagkakasundo ng Pilipinas at Vietnam na bentahe para sa dalawang bansa, kaya’t mas madali para pakiharapan ang “common challenges” sa usapin ng territorial dispute sa South China Sea,

“I really believe that we have to make these bilateral agreements. I think you will not be surprised and I think I’m not giving away any confidence that we will like to have these bilateral agreements as well with the other countries within ASEAN,” pahayag pa ni Pangulong Marcos na tumutukoy sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *