Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang stable na suplay ng bigas sa bansa hanggang sa matapos ang pag-iral ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Pangulo, may sapat na suplay ng bigas ang bansa na kayang tumagal sa panahon ng El Niño.
Ginawa ni PBBM ang pahayag, kasunod ng pulong sa Private Sector Advisory Council and the Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Malakanyang.
Sa nasabing pulong, iprinisinta ng Department of Agriculture (DA) at ng PRISM ang rice supply outlook ng bansa hanggang sa katapusan ng 2023.
Ginawa ang pulong para talakayin ang estado ng rice industry sa bansa at mga ipinatutupad na hakbang para masiguro ang sapat na suplay ng bigas.
Sa pagtaya ni DA Undersecretary Merceditas Sombillo, ang projected ending stock ng bigas para sa taong 2023 ay 1.96 million metric tons (MMT), na kayang tumagal ng 52-araw.
Ang harvest season ng palay ay inaasahang magsisimula sa Setyembre at Nobyembre.
Madelyn Moratillo