DR. Tony Leachon itinalaga bilang bagong special adviser for non-communicable disease
Inanunsyo ng Department of Health ang pagtatalaga kay Dr. Tony Leachon bilang bagong special adviser for non communicable diseases.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na si Sec. Ted Herbosa ang nagtalaga kay Leachon dahil narin sa malawak na kasanayan at kaalaman nite sa medical field.
Si Leachon ay matatandaang nagsilbi rin bilang dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya.
Sinabi naman ni Herbosa na katuwang si Leachon, ay titiyakin nilang maisakaturapan ang layunin ng Universal Health Care Law.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: