Senador JV Ejercito umalma sa mga alegasyong ang kaniyang ama umano na si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangako sa china na aalisin ang BRP Sierra Madre sa ayungin shoal

Ayon sa senador, taliwas ito sa kasaysayan dahil ang kanyang ama pa nga ang nag-utos para ideploy ang barko sa ayungin shoal

Katunayan aniya ito na ang dating pangulo lang ang may lakas ng loob na ipaglaban ang soberenya at teritoryong sakop ng bansa.

Ang kwestyon aniya ngayon ano ang nangyari matapos ang Administrasyong Estrada dahil pagkatapos ng termino ng kaniyang ama lumawak ang mga teritoryong inangkin at ni reclaim ng china

Nagpatutsada pa si Ejercito na sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo kinunsinti ang pagpasok ng china kabilang na ang pagpasok ng national broadband network ng chinese firm na ZTE deal.

It was President Joseph Estrada who ordered that BRP Sierra Madre be grounded in ayungin shoal so paano namang siya rin ang magsasabi na to remove it na magkaroon ng commitment. I don’t know saan nanggaling yung statement ni tiglao but it was them who supported the entry of first salvo of chinese intrusion through NBN ZTE baka yun ang dapat nilang alalahanin” pahayag ni senador JV Estrada.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *