Pilipinas dapat palakasin ang rice production at hindi dapat umasa sa rice importation ayon sa Kamara

Hinikayat ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang rice production sa bansa sa halip na umasa lagi sa rice importation.

Sinabi ni Lee na hindi mapanghahawakan ng bansa ang rice importation para sa rice supply sufficiency.

Inihayag ni Lee maaaring samantalahin ng bansang Vietnam na taasan ang presyo ng bigas na aangkatin ng Pilipinas dahil sa desisyon ng bansang India na itigil muna ang rice export dahil uunahin muna ang kanilang domestic needs.

Batay sa record 90 percent ng rice importation ng bansa ay nagmumula sa Vietnam.

Ayon kay Lee ang kailangang gawin ng Marcos administration ay palakasin ang local rice production sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang pakikinabangan ng mga magsasaka tulad ng paglalagay ng karagdagang post harvest facilities, farm to market road at subsidy ng gobyerno sa mga farms inputs tulad ng dekalidad na mga binhi at fertilizers kasama ang mga pestizides.

Niliwanag ni Lee maging ang United Nations Food and Agriculture Organization ay nagmumungkahi sa ibat-ibang mga bansa na tutukan ang food security upang hindi magkaroon ng social unrest.

Naunang nagbabala ang samahan ng mga lokal na magsasaka na Philippjne Chamber of Agriculture and Food Incorporated na tataas pa ng hanggang 4 na peso ang kada kilo ng bigas hanggang sa buwan ng September ng taong kasalukuyan dahil patuloy na tumataas ang presyo ng palay.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *