Liderato ng Kamara nag-ikot sa mga palengke para malaman ang aktuwal na presyo ng sibuyas at bigas
Naniniwala ang liderato ng Kamara na muli na namang gumagalaw ang sindikado ng price manipulators at hoarders ng sibuyas sa bansa.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez kaya personal na nag-ikot sa mga palengke kasama si ACT CIS partylist representative Erwin Tulfo.
Unang pinuntahan nina Romualdez at Tulfo ang Nepa Q mart at sumunod ang commonwealth market.
Ayon kay Romuladez nag-aaverage sa 70 hanggang 150 pesos ang presyo ng sibuyas sa nepa q mart at commonwealth market samantalang ang bigas ay nasa 47 hanggang 55 pesos ang presyo ng kada kilo sa dalawang pangunahing palengke sa quezon city.
Sinabi ni Romualdez na batay sa monitoring ng house committee on agriculture and foods nagsisimula naman na tumaas ang presyo ng sibuyas mula sa halagang 90 pesos ang kada kilo ay tumaas na ito sa 180 pesos sa mga palengke dahil karamihan sa supply ng sibuyas ay ipinasok ng mga hoarders sa mga cold storage at kinokontrol ang pagpapalabas sa merkado.
Niliwanag ni Romuladez na tumutulong ang Kamara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtiyak ng sapat na supply ng bigas at sibuyas sa bansa upang hindi na maulit ang nangyaring pag-alagwa ng presyo na halos hindi kayang bilhin ng mga ordinaryong mamamayan.
Vic Somintac