Gobyerno ng Pilipinas at China walang kasunduan na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal
Walang pinasok na kasunduan ang gobyero ng pilipinas sa china para alisin ang BRP Sierra Madre sa ayungin shoal
Ayon kay senador Jinggoy Estrada, ito ang kinumpirma sa kaniya ni dating senador Orly Mercado na nagsilbing defense secretary sa panahon ng Administrasyong Estrada.
Sa kaniyang column una nang sinabi ni dating presidential spokesman Bobby Tiglao na nangako umano si dating Pangulong Joseph Estrada noong 1999 sa mga chinese na aalisin ang sumadsad na barko na nadelay dahil sa umanoy technical difficulties.
Pero umalma si Estrada at tinawag na hearsay ang alegasyon ni Tiglao.
“He confirmed that there was “no agreement or promise” whatsoever made to the chinese government. any assertion of such a commitment contradicts the rationale behind the government’s decision at that time to station BRP Sierra Madre at the shoal. This move was primarily undertaken to assert our country’s claim and establish a presence in the area” pahayag ni senador Jinggoy Estrada
Imposible aniyang magbigay ng committment ang kaniyang ama dahil ito mismo ang nag utos noon sa Philippine Navy na isadsad ang barko sa ayungin shoal para protektahan ang teritoryong sakop ng pilipinas.
Batay kasi aniya sa report ni mercado nagsimula nang magtayo ng istruktura ang china.
“I don’t know if he indeed made promise bakit di yung next admins, chinese govt made press releases that it was made verbally this will not stand. these are all hearsay. Name, names. We are also at lost we are in limbo sino talaga nangako…..sabi ni senator Orly nagtatayo na ng konkreto so pinadala na barko natin dun” karugtong na pahayag ng senador.
Nauna nang iginiit ng china na nangako umano ang gobyerno ng pilipinas na aalisin ang barko pero hindi ito tumupad na itinanggi mismo ni pangulong Bongbong Marcos
Kinontra din ni senador JV Ejercito sa alegasyon ni Tiglao.
Taliwas aniya ito sa mga tunay na nangyari dahil ang kanyang ama lang ang may lakas ng loob na ipaglaban ang soberenya at teritoryong sakop ng pilipinas sa pamamagitan ng pagde deploy ng barko doon
“Whatever they see with President Estrada he has the balls to fight for our sovereignty and our territorial integrity. kahit paano meron siyang balls to claim our territory against the super power. that they should have they done the work after nung inangkin natin yun, anong nangyari bakit mas lumaki ang pinanghawakan ng china” giit pa ni senador JV Ejercito
Nagpatutsada pa si Ejercito na sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan tagapagsalita si Tiglao kinunsinti ang pagpasok ng mga kontrata mula sa china kabilang na kontropbersyal at maanomalyang na NBN ZTE deal
Ang kwestyon aniya ngayon ano ang nangyari matapos ang Administrasyong Estrada dahil pagkatapos ng termino ng kaniyang ama lumawak ang mga teritoryong inangkin at ni-reclaim ng china
“That’s very inconsistent and common sense tells us it was Pres. Joseph Estrada who ordered that BRP Sierra Madre be grounded in ayungin shoal so paano namang siya rin ang magsasabi na to remove it na magkaroon ng commitment. I don’t know saan nanggaling yung statement ni Tiglao but it was them who supported the entry of first salvo of chinese intrusion through NBN ZTE baka dun ang dapat nilang alalahanin.” patuloy pahayag pa ni senador JV Ejercito
Bukas sisimulan na ang senado ang paghimay sa panukalang pambansang budget para sa 2024
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, target nila ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard at hanapan ng pondo ang pagsasaayos ng BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal
Vic Somintac