Paglikas sa mga Pinoy na apektado ng wildfires sa Hawaii malabo – DFA
Duda ang Department of Foreign Affairs na hihiling ng repatriation ang karamihan ng Filipino na posibleng naapektuhan ng tragic wildfires sa Hawaii.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na karamihan sa mga Filipino na residente sa Maui, Hawaii ay mga permanent residents na .
Sa ngayon ay may naitala lamang aniya ang gobyerno na 50 non-immigrant visa holders sa Hawaii at naroon para sa exchange visit.
Nangako ang gobyerno ng Pilipinas na magkakaloob ng tulong sa mga Filipinong naapektuhan ng wildfires, na kumitil na sa buhay ng higit 100, habang may 1,500 pa ang nawawala.
Sinabi ni Cortes na nahihirapan pa ang Hawaii authorities na matukoy ang mga nakuhang bangkay kaya hindi pa rin makumpirma ang ethnicities ng mga ito.
Hanggang noong 2020, aabot sa 388,000 indibiwal sa Hawaii ang nagsabing sila ay Filipino o may lahing Filipino.
Maraming lugar din sa Lahaina sa Maui County ang tahanan sa mga Filipino gaya ng Pinoy organization Binhi at Ani Filipino Community Center.
Weng dela Fuente