Sitwasyon ng mga Pilipino sa Hawaii sa harap ng nangyaring wildfire doon, mahigpit na binabantayan ni Pangulong Bongbong Marcos

eaglenews.ph

Masusing binabantayan ni Pangulong Bongbong Marcos ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Hawaii, na sinalanta ng malawakang wildfires.

Sa isang press release na ipinalabas ng Presidential Communications Office, sinabi ng pangulo na inaalam na ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers, ang bilang ng mga Pinoy na naapektuhan.

Handa rin aniya ang Konsulado sa Honolulu na tulungan ng mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, “Kasalukuyang nakikipag-ugnayan din ang Philippine Consul General sa Hawaii sa mga lokal na awtoridad at Filipino community sa anumang bagong impormasyon patungkol sa insidente.”

Sinabi pa ng punong ehekutibo, na maaaring humingi ng tulong ang mga Pilipinong naapektuhan sa pamamagitan ng 24/7 emergency hotline na +1808 253-9446 sa sa pamamagitan ng opisyal na e-mail address ng gobyerno doon, [email protected].

Ayon sa DFA, humigit-kumulang sa 50 Pinoy teachers ang kabilang sa libu-libong mga indibidwal na nagawang makatakas sa wildfires sa Maui.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *