Pondo ng DOLE para sa emergency employment binawasan na dahil tapos na ang COVID 19 pandemic

Tinapyasan na ang pondo na inilaan ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa emergency employment o tulong panghanapbuhay sa ating displaced workers o tupad program.

Ito ang inihayag ni labor secretary Bienvenido Laguesma sa budget deliberation ng dole sa plenaryo ng kamara na nagkakahalaga ng 40.2 bilyong piso.

Sinabi ni Laguesma na ang pondo na inilaan sa tupad program ay nasa 12.9 bilyong piso para sa 2024 kumapara sa 19.5 bilyong piso noong 2023.

Ayon kay Laguesma unti-unti ng nagpo-pokus ang DOLE sa permanent job creation dahil sa pagbubukas na ng ekonomiya matapos ang tatlong taon na pananalasa ng pandemya ng covid 19 sa bansa.

Inihayag ni laguesma na ang pokus ng dole para sa tupad program ngayon ay para sa mga nawalan ng paglakakitaan dahil sa pananalasa ng kalamidad.

Niliwanag ni Laguesma na mayroon ng nakahandang programa ang DOLE kung papaano malulunasan ang problema sa unemployment at under-employment sa bansa sa pamamagitan ng tripartism o pagtutulungan ng gobyerno, employers at sektor ng mga manggagawa.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *