DSWD naghahanda na sa pananalasa ng bagyong Goring

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development o DSWD secretary Rex Gatchalian ang mga regional director at field offices sa region 2 o cagayan valley at region 4a o calabarzon na magsagawa na ng inventory sa mga naka-stock na relief goods bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Goring.

Sinabi ni secretary Gatchalian kailangang nakahanda ang mga regional field offices ng DSWD sa pamamagitan ng disaster response and management group o DRMG.

Dahil dito inalerto na ni DRMG assistant secretary Marlon Alagao sina DSWD Region 5 director Norman Laurico at DSWD region 2 director Lucia Alan para sa prepositioning ng family food packs na kakailanganin ng mga maaapektuhan ng bagyong Goring.

Batay sa report ng PAGASA bagamat nasa dulong hilagang Luzon ang sentro ng bagyong Goring ay palalakasin nito ang habagat na inaasahang magdudulot ng matinding pag-ulan sa Central Luzon at Southern Luzon.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *