Halos 900 inmates lumaya sa iba’t ibang kulungan ng Bucor

Kabuuang 880 persons deprived of liberty (PDLs) ang lumaya sa iba’t ibang prison and penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraan na matapos na pagsilbihan ang sentensya.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ito na ang pinakamarami na lumaya mula sa mga piitan ng BuCor.

Mula sa nasabing bilang, 185 ay mula sa maximum security camp ng Bilibid.

Karamihan din sa mga lumaya ay nag-expire na ang sentensya na may Good Conduct Time Allowance (GCTA) na 368.

Mga lumayang PDLs

PMA – 5
NBP Maxsecom- 185
NBP Medsecom- 151
NBP Minsecom- 25
NBP reception & diagnostic center- 13
Leyte regional prison- 101
San Ramon Prison and Penal Farm- 58
Sablayan Prison and Penal Farm- 25
Iwahig Prison and Penal Farm- 29 correctional institution for women- 92
Davao Prison and Penal Farm- 196

Total: 880

Inihayag naman ni BuCor Director General for Operations Gil Torralba na mas marami pa ang mapapalaya sa mga susunod dahil isinasaayos at nirerebyu na ang mga rekord ng inmates para mabatid kung sinu-sino ang mga dapat nang makalabas ng piitan.

Kabilang sa mga lumaya si Nanay Del, 82 taong gulang mula sa Bataan na nakulong ng limang taon sa CIW.

Nagpapasalamat at tuwang-tuwa naman si Nanay Del dahil nakalabas na siya ng piitan lalo na at marami na siyang sakit.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *