10 EMBO barangays na sakop na ngayon ng Taguig City dapat magamit na polling precinct ang mga paaralan – COMELEC
Tiniyak ng Commission on Elections na walang mangyayaring tensyon sa gagawing turnover at mismong halalan sa 10 Embo barangay na sakop na ngayon ng Taguig City.
Kasabay nito, umapila ang poll body ng kooperasyon sa Lokal na Pamahalaan ng Makati.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hihilingin din nila sa Makati na magamit ang mga paaralan sa EMBO barangays na maging polling place.
Ang Election Officers naman ng Makati at Taguig, inatasang maghanda ng bagong listahan ng mga presinto at qualified electoral boards.
Sa panig ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig ay nagpasalamat ito sa Comelec sa naging aksyon nito sa kautusan ng Korte Suprema patungkol sa territorial dispute
Nakiusap rin ang Taguig LGU sa panawagan sa mga opisyal ng Makati na makipagtulungan.
Dapat din anilang manguna ang mga ahensya ng gobyerno para sa turnover para na rin hindi na magdulot pa nang anumang tensyon.
Madelyn Moratillo