NBI at BI tracker teams hinahanap na ang Chinese POGO employee na nakatakas
Bumuo na ng tracker teams ang gobyerno para tugisin ang nakatakas na Chinese national na empleyado ng sinalakay na POGO company sa Pasay City.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na ang tracker teams ay binubuo ng mga tauhan ng NBI at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration.
Aniya, kinakailangan na mahanap ang banyaga dahil kabilang ito sa mga sinampahan ng mga reklamong paglabag sa Anti- Cybercrime Prevention Law at Securities Regulation Code.
Tiniyak ng opisyal na matutunton ang nawawalang Chinese POGO employee.
“Mahahanap po yan di po kami papayag na may makawala dhil itong chinese nationals na ito ay mga manloloko mga scammers. Yung mga narereceived na mga text messages na nagsasabing puwede silang magloan may trabahong ino-ofer di po yun totoo at ito yun ito yung mga chinese nationals at iba pang tao na nagpapaikot ng mga ganitong operation di kami papayag na di namin mahanap yung nawawalang pogo employee” pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano
Inihayag pa ni Clavano na iniimbestigahan na kung papaano nakatakas ang dayuhan o kung ito ba ay pinatakas mula sa pasildidad ng POGO hub.
Kabilang sa mga nagbabantay sa POGO facility ay ang mga tauhan ng PNP, BI at Presidential Anti- Organized Crime Commission.
Pero aminado ang opisyal na hindi gamay ng mga ito ang lahat ng entry at exit points sa gusali ng POGO.
“Kung may mahanap na irregularity dun sa pagbabantay gagawin naman lahat para ma-discipline nagbabantay doon. As of now masyadong maaga di natin masabi kung talagang pinalaya or pinabayaan wala pa naming evidence of negligence tingnan natin” patuloy pa na pahayag ni Clavano.
Moira Encina