DOH hindi pa nagdedeklara ng Health Emergency para sa monkeypox

Bagamat wala ng naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa, iginiit ng Department of Health na hindi pa rin idedeklarang monkeypox free ang Pilipinas.

Paliwanag ng DOH, malaking hamon kasi ang pagtukoy sa sakit na ito dahil narin sa kanyang nature at global trend ng sakit.

Pero patuloy umano ang ginagawang surveillance ng DOH para sa napapanahong assessment, testing, at reporting ng kaso.

Hanggang ngayon, pinaigting rin ng DOH ang awareness sa Monkeypox at patuloy na pinaaalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng early detection ng sakit.

“We are not declaring the country monkeypox free given global trends as well as the nature of the disease which makes its determination challenging. However, the DOH has continuously engaged not just our epidemiology and surveillance units but other stakeholders to improve the timely assessment, testing, and reporting of cases.” pahayag ng Department of Health

Mula ng may unang matukoy na kaso ng monkeypox sa bansa noong nakaraang taon, umabot lang sa 4 ang naitalang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Una na ring binawi ng World Health Organization ang public health emergency declaration sa nasabing sakit, habang sa Pilipinas hindi nagdeklara ng health emergency dahil sa monkeypox.

Paalala ng DOH na kung nagpunta sa bansa may kaso ng Monkeypox at makaranas ng sintomas ng sakit gaya ng lagnat, kulani at rashes agad magpatingin sa doktor.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *