Involvement ng mga Barangay sa paglaban sa Tuberculosis hiniling ng Kamara
Kailangan ang pagtutok mismo ng barangay sa paglaban sa Tuberculosis na isa sa sampung sakit sa bansa na pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Anakalusugan partylist representative Ray Reyes, malaki ang papel na gagampanan ng barangay sa pagmonitor sa gamutan ng mga may sakit na TB.
Ayon sa Kongresista matagal ng may lunas ang TB na tumatagal ng anim hanggang sampung buwan ang gamutan kaya kailangan itong tutukan.
Batay sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 563,465 mga Pinoy ang may TB mula January hanggang November 2022 at nasa 15,689 ang namatay.
Inihayag ni Reyes, nanatili ang stigma ng sakit na TB at ito ay nakakahawa tulad ng HIV kaya marami ang takot na lumantad para magpagamot.
Dahil dito, kailangan ang tulong ng barangay para mahikayat ang mga may sakit na magpagamot.
Vic Somintac