LTO naghigpit sa safety ng mga school services sa pagbubukas ng klase

photo c/o LTO-CDO FB page

Upang maiwasan ang anumang disrasya sa mga estudyante at mga naghahatid binantayan ng mga tauhan ng Land Transportation Office o LTO ang mga school services….

Inatasan ni Department of Transportation o DOTr secretary Jaime Bautista si Land Transportation Office o LTO chief assistant secretary Vigor Mendoza na magpakalat ng mga tauhan sa mga paaralan kaugnay ng pagbubukas ng klase ngayong school year 2023-2024.

Isa ang President Corazon C. Aquino Elementary School sa Batasan Quezon City na pinostehan ng mga tauhan ng LTO upang ipatupad ang batas ukol sa paggamit ng school services.

Sinabi ni LTO director for law enforcement service director Francis Almora na maraming violations na nakita sa mga school services tulad ng overloading kawalan ng helmet nakatsenilas ang mga driver na nakamotorsiklo.

Inihayag ni Almora na kinausap at pinagsabihan ang mga violators dahil huhulihin na ang mga ito kapag hindi sumunod sa batas.

Sinabi naman Dr. Wilma Pilar Rosal principal ng President Corazon C. Aquino Elementary School na naging maayos ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa kanilang paaralan dahil nasunod naman ng mga magulang ang mga pinag-usapan sa isinagawang orientation bago ang school opening.

Ayon kay Dr. Rosal nasa 8,700 ang mga estudyante na nag-enrol sa President Corazon C. Aquino Elementary School ngayong pasukan at mayroong 227 na teaching personnel at 35 na non-teaching personnel.

Niliwanag ni Dr. Rosal na dalawang shift ang pagpasok ng mga estudyante ang morning session ay mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ang afternoon shift naman ay mula alas: 12:00 ng tanghali hanggang alas 6:00 ng gabi.

Tulad ng inaasahan sa pagbubukas ng klase sari-saring eksena ang makikita sa loob ng silid aralan lalo na ang mga bagong salta pa lamang na estudyante ng kindergarten mayroong tahimik mayroong umiiyak at mayroong ayaw magpaiwan sa magulang o guardian.

Inamin ng mga teacher sa President Corazon C. Aquino Elementary School na hindi nasusunod ang ideal class size na 25 na estudyante sa bawat section dahil umaabot ang bilang ng mga estudyante hanggang mahigit 30 sa bawat section sanhi ng maraming enrollees.

Ipinauubaya naman ng mga magulang at teacher ang desisyon sa pamunuan ng department of education o DEpEd at mga mambabatas sa Kongreso hinggil sa planong ibalik sa buwan ng hunyo ang pagbubukas ng klase sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *