Paggamit ng Pito at Baton ibalik – Senador Dela Rosa

Nais ni senador Ronald bato Dela Rosa na ibalik ang paggamit ng pito at baton ng mga pulis sa pagmamantine ng peace and order.

Ito’y para maiwasan rin na maulit ang kaso ng pagbaril at pagpatay ng mga tauhan ng navotas PNP sa menor de edad na si Jemboy Baltazar.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order sa kaso ng pagpatay kay Baltazar, sinabi ni Dela Rosa na kapag may hinahabol na mga pinaghihinalaang kriminal ang mga pulis, maari silang mag warning sa pamamagitan ng pito o hampasin ng batuta sakaling magtangkang tumakas

Ang pagpito aniya ay isang sign ng police authority kaya hindi na maaaring tumakbo ang isang hinahabol na kriminal at hindi basta dapat papuputukan ng baril.

Tila nalilito na aniya ang mga pulis dahil sa halip na unahin ang non-lethal approach, mas pinipili nila ang pinakamabigat na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang armas

Paalala ni Dela Rosa, hindi nga dapat gumagamit ng warning shot ang sa mga police operations maliban na lamang kung kulang ang kanilang pwersa at nasa panganib ang kanilang buhay.

“Ibalik ninyo iyan, as part of the uniform, iyong batuta at saka iyong pito para… sige tayo sabi ng force continium dito, from non-lethal to less lethal to lethal. Pero look, as part of the uniform, meron ba kayong less lethal equipment diyan? Wala. Wala kayong pito, wala kayong batuta, ang meron lang baril. so kaya nga siguro, diretso ang gumagamit ng baril dahil walang ibang option na ginagawa iyong kapulisan kundi diretso, baril kaagad ang gamit.” paliwanag ni senador Dela Rosa

Meanne Covera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *