Apat na election related violence para sa BSKE naitala sa 4 na lugar – Comelec
Sa unang araw ng pagsisimula ng election period para sa Barangay at SK elections kahapon, nakapagtala na agad ng 4 na election related violence ang Comelec.
Pinakahuli rito ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia ang pagpaslang sa kapitan ng Barangay sa bayan ng Libon sa Albay
Kinumpirma rin ni Garcia na may isa rin insidente ng karahasan ang nauna nang naganap sa Libon na Brgy Kagawad ang nasangkot
Bukod dito, nakapagtala rin ng karahasan na iniuugnay sa eleksyon sa lalawigan ng Rizal at Maguindanao
Wala pa namang inilabas na detalye ang COMELEC sa 3 insidente ng election-related violence
Sa ngayon wala pang opisyal na listahang inilabas ang comelec sa mga lugar na nasa areas of concern pero may 27 lugar ang kabilang rito ayon kay Garcia.
Kasama dyan ang ilang lugar mula sa BARMM, Negros Oriental, Region 5, 6 at iba pa
Madelyn Moratillo