DOJ nilinaw na hindi nito empleyado si Wilfredo Gonzales na sangkot sa road rage incident
Walang Wilfredo Gonzales na kasalukuyan o dating empleyado ng Department of Justice (DOJ).
Sa inisyu na sertipikasyon ng Administrative Service ng DOJ, sinabi na batay sa available records ay walang Wilfredo Gonzales na kawani ang kagawaran.
Si Gonzales ang dismissed na pulis na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista sa viral video.
Sinabi naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na kahit pa tumanggi mismo ang biktima na maghain ng reklamo laban kay Gonzales ay maaari pa rin na ipursige ang kaso na alarm and scandal ng sinuman o ng lokal na pamahalaan dahil ito ay isang public crime.
Ang mahalaga aniya ay ma-authenticate ang ebidensya at matukoy kung sino ang kumuha ng video at mapatunayan nito na sa kanya ang video.
“Pwede nga alarm and scandal yan kahit di pumutok ang baril, kinasa yung baril, itinutok. Kahit di magreklamo yung siklista, people alarmed over the occurrence can actually file a case as long as the evidence that they will use is authenticated, properly identified and authenticated” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Moira Encina