Bagong guidelines ng IACAT binatikos ng mga senador
Nais ng mga senador na ipagpaliban muna ang implementasyon ng bagong guidelines sa pagbyahe sa labas ng bansa ng inter agency council against trafficking.
Ayon kay senador Grace Poe, nakakabahala ang sangkatutak na requirements na nais ipatupad ng IACAT na maaaring magdulot ng matinding abala at dagdag na gastos sa mga pasahero.
Binatikos rin ni villanueva ang bagong guidelines ng iacat na dagdag pahirap sa mga pasahero
Sa revised guidelines ng IACAT na layong masawata ang human trafficking, ang lahat ng pinoy na ba-byahe palabas ng bansa kailangang magsumite ng mga dokumento tulad ng financial capacity, proof of employment, birth at marriage certificate at valid work visa at permit
Naghain na ng resolusyon si Villanueva at hiniling na imbestigahan ito ng senado dahil isa itong paglabag sa right to travel ng mga pasahero
Ang bagong patakaran aniya at maaaring magamit sa anumang pag-abuso at katiwalian .
Tinukoy ni Villanueva ang pastillas scam kung saan hinihingan ng pera ng mga taga immigration ang mga pasahero para mabilis na makalusot sa paliparan
Meanne Corvera