Dating pulis sa viral road rage incident, coterminous employee sa Korte Suprema
Kinumpirma ng Supreme Court na kawani sa tanggapan ni Supreme Court Associate Justice Ricardo Rosario ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista.
Ayon sa sertipikasyon na pirmado ni Wilhelmina Aileen Mayuga, Judicial Staff Head ni Justice Rosario, coterminous employee si Gonzales ng tanggapan ng mahistrado.
Agad naman itong sinibak noong Agosto 27 matapos na mabatid ang kinasangkutan nitong pangyayari.
Sinabi ng opisyal na hindi kinukunsinti ni Justice Rosario ang anumang uri ng karahasan o abusadong pag-uugali.
Moira Encina
Please follow and like us: