Australia magpapadala ng delegasyon sa China upang patatagin ang ugnayan
Magpapadala ang Australia ng delegasyon ng industriya, gobyerno, akademya, media at arts representatives sa Beijing para sa isang pakikipag-dayalogo sa kanilang Chinese counterparts sa susunod na linggo, upang patatagin ang relasyon.
Ayon sa pahayag mula sa tanggapan ni Foreign Minister Penny Wong, “Trade, investment, people-to-people links as well as regional and international security are among the issues up for discussion in next Thursday’s talks.”
Ang high-level dialogue ay taon-taong isinasagawa mula noong 2014 hanggang sa matigil ito noong 2020.
Dagdag pa sa pahayag mula sa tanggapan ni Wong, “The talks represent ‘another step towards increasing bilateral engagement and stabilising our relationship’ with China.”
Ang delegasyon ay pangungunahan ni dating trade minister Craig Emerson, na kabibilangan din ni dating foreign affairs minister Julie Bishop.
Sinabi ni Emerson, “Since it was established, the dialogue has been an opportunity to deepen mutual understanding with Chinese participants and to find common ground.”
Si Li Zhaoxing naman na dating foreign affairs minister ng China, ang mangunguna sa Beijing delegation.
Ang pagpapatuloy ng diyalogo ay ang pinakabagong halimbawa na nalulusaw na ang tensiyon na ilang taon ding namagitan sa dalawang bansa.
Matatandaan na ikinagalit ng China ang batas ng Australia laban sa overseas influence operations, ang pagbabawal nito sa Huawei sa mga kontrata ng 5G at ang panawagan nito ng independent investigation sa pinagmulan ng pandemya ng Covid-19.
Ngunit muling uminit ang relasyon mula nang pagtibayin ng Canberra ang “less confrontational approach” sa China kasunod ng halalan nito noong nakaraang taon.